please visit my friendster blog. new entry! =)
have a great weekend!
"i am just like everyone else who listens to their heart..." ~~~ By the River Piedra I Sat Down and Wept (P. Coelho)
Thursday, October 06, 2005
kay teban
kaarawan din niya ngayon.
nakilala ko siya nung first year ako sa up.
may project kami nun sa comm 1. si jessica at ako ang partners. originally, dapat ang mga seatmates kong sila ryan, ramon at vinci [opo, si parokya] ang mga ka-grupo ko. napagtanto ata ng natutulog kong isip [7am kasi klase namin noon at galing pa ako ng laguna papasok sa diliman habang ang skyway ay sinisimulan pa lang gawin] na di ko kakayanin ang tema nila ng magazine para sa aming project. at pinagtagpo na nga ang landas namin ni jesusa.
ganito yan, may crush si jesusa. tinawagan namin. sumimple ika nga. may survey kasi kami para nga dun sa magazine na gagawin namin. mala-cosmo ba. nanghingi pa ako ng numero ng mga blockmate niya na maaari naming matawagan. binigay niya ang numero ni teban.
at dun na nagsimula ang "trahedya" ng buhay "pag-ibig" ko sa peyups.
hindi ko alam kung paano nagsanga ang simpleng tanungan na iyon sa palagiang pagtatawagan sa telepono. hindi lalampas ang isang linggo na hindi kami mag-uusap. isa siyang "rare breed" [parang aso, hehe],dahil isa siya sa mga henyong nilalang na estudyante ng electrical engg, taga triple E. aaminin ko na namangha ako sa kanyang katalinuhan. magaling talaga ang gunggong. sabay kami noon na nag math 17 ng 1st semester. nang sumunod na semestre, math 53 na siya habang ako, math 17 ulit [di naman bagsak, 4 lang, hehe]. kulang ingudngod niya ako sa kabobahan ko sa math.
aaaminin ko din na nahulog na ang loob ko sa kanya noon. may kakaibang lamig kasi ang tinig niya. tipo bang seryosong matalino. mahusay din siya sa grammar. sa katunayan, may ilang beses ba na binara niya ako dahil mali daw pagbigkas ko, o biglaan akong tanungin ng kahulugan ng mga salitang maiisip niya. siguro nga naaliw din ako sa pagbabangayan namin sa telepono. mga kasimpleng bagay kasi nagiging debatable na para sa amin. at dahil isa akong dakilang pikon, madalas akong talo. talaga nga naman, pagkapikon ang pinaghugutan ko ng naramdaman para sa kanya.
pumunta pa nga sya sa debut ko. taga marikina sya at ako, taga laguna. para sa akin, isang napakalaking bagay na yon. at dahil nga ayon na din sa kanya, isa akong "assuming" na nilalang, inisip kong baka siya na nga ang bigay ni Lord sa kin.
ilang buwan din ang lumipas na paganon-ganon lang kami. di ko alam kung ano ba talaga ako sa kanya. hanggang isang araw, nagbanggit na siya ng mga "girls" daw niya na kinairita ko. eh, tanga ako, pinaramdam ko pa na naiirita ako. tuloy, lalo na niya akong inasar.
may pagkakataon tuloy na parang nawalan ako ng ulirat at walang gatol na tumawag sa kanya. at ayun na nga, i dropped the bomb, ika nga nila.
"i think i have fallen for you."
saglit na katahimikan. para bang isang sundalong alam na wala siyang laban sa mga susunod pang magaganap, gusto kong sumigaw ng "retreat!" pero wala na, kailangan ko nang pangatawanan. nagpasalamat naman siya sa akin. kung ano pa ang sumunod doon, wala na akong maalala kundi ang panginginig ng buo kong kalamnan.
hindi naman naapektuhan ang aming pagkakaibigan. inisip ko na lang na talaga yatang wala siyang nararamdaman. pero hindi ko pa rin maiwasang hanapin ang mokong na yon. tuwang tuwa ako na makita siya. di naman siya gwapo [well, may guwapo ba sa up? hehe]. katunayan, tawag ng mga kaibigan ko sa kanya eh kurimaw [opo, siya ang orig at hindi ang mga nasa eat bulaga, hehe]. sabi nga nila nakapiring ata ang mga mata ko.
at dahil nga dyan sumali ako sa isang org malapit sa kanila para di na kailangan pang umikot sa sunken makita lang siya.
nakilala ko na din si "the one that got away" at dedma talaga. talaga yatang kinaltok na pag-iisip ko.
mahigit anim na taon na rin ang nakalipas. nasa friendster ko siya. dati, may gf sya pero ngayon ata wala na [single status nya at wala na ang testi para sa kanya]. binati ko na siya nung lunes pa. natural may pang-aasar na naman siya.
wala na akong nararamdaman pa para sa kanya. pero ang sarap balikan ng mga panahong hibang ka sa isang tao. matay mong isipin kung kailan at paano magtatapos ang pagdurusang iyon na hindi ka mahalin ng taong mahal mo. iyon pala, ganito lang iyon.
sa iyo sgc,
happy bday. ayan ha, wag mo na ulit pamigay sa orgmates mo. =p
haaay, sarap. tapos na ang unang kabanata ng "unrequited" series ng buhay ko. sana matapos na din yung ngayon.

hbd =)
kay marianette aquino galang,
maligayang kaarawan sa kapwa super "eng-eng" kong kaibigan! =)
wag ka mag-alala lumipad din ako nung setyembre.
mayette facts:
1. si yettie ay isang ubod ng talinong tao. di niya kailangan magsaulo ng aming binabasa upang makasagot sa eksamen o humataw sa recitations...
2. isa rin siyang mahusay na manunulat. ilang daang piso na nga ba ang naibigay sa kanya ng angking galing na ito? ay, may libreng pagkain din pala noong magkasama pa kami sa barrister...
3. kung naghahanap ka ng tao na tutulong lumutas ng iyong mga suliranin, si yette ang pinaka nararapat lapitan. iisa ang kalidad ng mga solusyon na imumungkahi niya sa iyo - praktikal, risonable at walang "bias."
4. siya ang nagbukas nga aking mga mata sa mundo ng blogging. [may nasimulan na ako noon, nakalimutan ko lang ang account ko, hehe]
5. siya si buttercup sa powerpuff girls,
mahal nya ang dexter's lab, si garfield, ang "angel" at "buffy," ang powerbooks, booksale at lahat na ng uri ng tindahan ng libro. puno na ata nya ang kabahayan nila ng libro.
6. isa siyang dakilang nilalang. isang tunay na maprinsipyong nilalang. naging volunteer siya sa jvp. tunay na bagay sa kanya ang "nobility" ng propesyong aming tinatahak.
7. kakatwa na tao. isang bihirang nilalang na di kailanman nahilig sa tsismis [well, ako ang chismosa sa aming dalawa, sobrang chismosa, hehe] o ang manghusga ng kapwa. wala kang maririnig na hindi magandang mamumutawi sa kanyang mga labi, kundi ang "whining" stare that she gives me [hirap na ko, hehe] pag nagbibigay ng sangkaterbang assignment si sir corpo o si sir evid.
8. halos pareho kami ng hilig sa pagkain. ngunit ang pinaka pinagpapasalamat ko sa kanya ay ang pagbubukas ng aking kamalayan sa kasayahang dulot ng ice monster.
9. tanggap nya mga kalokohan ng mga kaibigan niya tulad ko. =)
10. at higit sa lahat, isa siyang tunay na kaibigan. ala talagang iwanan. isa siya sa mga taong pinaghugutan ko ng lakas tuwing may problema.
maligayang kaarawan muli marianette! maraming salamat sa yo.

Wednesday, October 05, 2005
the day the gods lent the sun to me
the drizzlin sky was painted
with a generous ray of
glitter...
the misty breath of the winds, sparkled
with throngs of
warmth...
the cascadin' waves blended
with the golden
shadows...
just for a day,
the gods loaned your
tender pat
from the hand that i have longed
to hold,
the smile
from the lips that i'd die
to kiss,
the three worded phrase
which were the
strongest pushes
that has made me
hold on this far...
alas, all these are
nothin'
but
crumbs
of what
she
has...
(september 4, 2005)
--->>> backdrop:
september 3, 2005...
loud drums, loud chants, banners, screaming wishes of luck, cheers, confetti, flowers...
i was about to ride the bus that will bring us to hyatt when i heard someone call my name...
"Tin" he said...
i turned my back and saw him...
he was clad in his usual white polo shirt...
but twas unusual, he greeted me first...
"Good luck"...
i actually didnt hear it quite clearly but saw him utter those words...
i was so delighted with his mere sight...
what more with him wishin me luck - and sayin my name...
that did not end there.
i saw him the following day, early in the morning,
running with a friend, probably hoping to catch up for the traditional send-off at taft.
all the butterflies in my stomach made its way into my heart.
i was so happy.
during the send-off, i saw him...
if only my heart can choke me to death, it probably would have done so - for the loads of bacons that i ate, the terror that gripped me with a fierce enemy called the bar exams, and the sight of the man that for five long years i have loved...
i passed by him, but the line stopped while he was beside me, on my left side - and the world stopped as well, mine at least...
again, he made me wanna jump for joy.
he tapped my left arm and said,
"Tin, God bless."
was it me or it was really so sincere that i felt it was heartwarming?
whatever it was, they were enough to make me happy ---
despite the truth revealed two days later
that he is still hers,
and he,
can never be mine.

i am resurrected
i am back.
after havin been buried by tons of useless articles and sections [yes, they are nothin but useless... you have to agree with me on this], i was so surprised that i am still alive.
FOUR SUNDAYS OF HELL
September 4, 11, 18 and 25 of 2005 are, to date, the most unutterably difficult moments of my existence - mentally-wise. My convolutions have never EVER been stretched and curled up, save of course that part of my life as an Iska when i spent a semester's worth of tuition fee for calculus (haha, you do the math!), not until i entered la salle (may joke sana ako eh, innovation of the common UP joke, pero wag na lang, i might get assasinated by my archer-friends). parang wala nang kinabukasan sa sobrang hirap at haba ng exams.
i have never doubted, not that much, during those five years in beda, if i was meant for this profession - not until September 5, 12, 19 and 26 of 2005. the pinoy line of "nasa huli ang pagsisisi" fits well my disposition all four mondays after the exams. there came a point when i wanted so much to just stop. for it might be pointless in goin on with the battle. were it not for the support and encouragement that my family, friends and schoolmates have given me, i would have probably turned all my books into ashes then.
let me give my thanks to all those who prayed for me. thank you. i am praying i could give you a more decent thank you entry by next year, when the verdict has been given. as for now, di pa tapos our battle - this is a plea of mercy talaga to GOD, an appeal, a petition for mandamus. =)

Monday, October 03, 2005
so real
Tin, your Personality SummaryYour Personality Type
You are an optimist who is often more focused on the past and the future than the present moment. You have an active imagination. You have good hunches and intuitions and people notice that.
Your Motto
"I want to discover the truth in life."
How You Work best
You work best in cooperative, harmonious environments. Competition, a rushed pace, and a strict format for communication don't work well for you. Your strength is your open-mindedness. Your Achilles heel is that you are sometimes too hard on yourself.
Your Life Situation
You are not fully satisfied with your current life situation. It is in your own hands, though, to change this. Every day you have the opportunity to improve your life situation by making decisions that suit your personality best.
Making decisions that suit your personality best benefits all areas of your life: your relationships, your career, your love life, your goals, your family life, and your health.
www.personality100.com

duh
UCAUTION |
IN THE INTEREST OF SAFETY IT IS ADVISABLE TO KEEP TIN AWAY FROM FIRE AND FLAMES. |
From Go-Quiz.com
ano daw? =p
Subscribe to:
Posts (Atom)