Wednesday, April 19, 2006

sana...

...magkasundo na ang mga tao
...wala nang gulo kahit saan
...wala nang negatibong emosyon na papailanlang

...malaman ng mga tao ang kanilang halaga
...maging madali na malaman nila ito, upang di tuluyang malunod pa
...maisip ng bawat nilalang na kay dami pang kailangang tahaking landas

...muling makatayo ang mga taong nadapa dahil sa tadhana
...maramdaman nila na nakasalalay lamang ang mga palad ko sa pagbangon nila
...maibahagi ko sa kanila ang aking sarili, maibsan lamang ang pait na naranasan

...mabigyan ako ng pagkakataong masilayan siya
...mabigyan ako ng pagkakataong ni silipin man lamang niya
...sa akin niya nahanap ang kaligayahang tila natagpuan na niya

...ganun lang kadali ang mundo - ang umibig, magmahal at kumawala dito
...hindi ganito kahirap tawirin ang pait ng pag-iisa
...maratnan kahit man lang ng pag-asa

...magkatrabaho na ako
...bumalik na ako sa 90lbs
...hindi na kailanganin ng expander
...mayaman ako
...makapag-outreach na uli ako
...matupad ang mga pangarap ko
...bisitahin nyo ang bagong blog ko [rapture]
...binasa mo hanggang dito

1 comment:

Monique said...

You gave me an idea on the poetry blog. Hmmm... :)