please take time to read, and more importantly reflect on, the following. perhaps, some of you may have received an email or a friendster message like this (like i did). this is really, really touching. drew me to a bucket of tears.
Mahal kong Anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at
pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng
pinggan o nakatapon ng
sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan. Maramdamin ang
isang matanda. Nagse-self-pity ako
sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko
at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan
ng 'binge!' paki-ulit nalang ang sinabi mo o
pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na
ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng
pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit
na
parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo
sana
akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak
noong
bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong
sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto
mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo
na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy
lupa. Huwag mo
sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan
ko. Madaling
magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong
pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang
habulin sa ilalim
ng kama kapag ayaw mong maligo. Pagpasensyahan mo sana
kung madalas,
ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda
mo,
maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali
lang. Inip na ako sa bahay,
maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na
akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento
ko. Natatandaan mo
anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong
pakinggan at intindihin ang
pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy
bear.
At
kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng
karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo
na
sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong
alagaan
sa mga huling sandali ngaking buhay. Tutal hindi na naman ako
magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang aking
kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin
ang kamatayan. At huwag
kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos
na lumikha, ibubulong ko sa kanya
na pagpalain ka sana... Dahil naging
mapagmahal ka sa iyong ama't
ina...
Written by
Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St.
Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
No comments:
Post a Comment