habang tinitipa ko ang entry para sa aking blog ay nanananghalian ako. hay, oo, tama ba naman yun? =) sayang kasi ang oras, dami ko pa kailangang tapusin. bakit kasi nauso pa ang deadline? bakit kasi may batas? hahahaha, kung walang batas iha, di wala ka sanang propesyon! well, di sana mas tahimik naman ang mundo - pati mundo ko. siguro kung di nauso ang batas at natural pa, ang pagiging abogado, mas masaya ako. =)
kaninang umaga lang, may mga nakausap ako. "disgruntled employees." sabagay, sa araw-araw naman eh may mga nakakasalamuha at nakakausap akong ganoon. kasi, tumingin lang ako sa salamin, makikita ko na yun. hehehe. minsan, a matter of contentment lang siguro problema ng tao. minsan din naman, may problema na talaga. kasi naman, may perpekto ba sa mundo? utopic, ika nga. malabo.
ayun, sila "disgruntled employees" ay nais nang lumayas sa kanilang pinapasukan. medyo lihis naman kasi yung nangyari. basta. unfair. sana lang makita ng mga kinauukulan na mga huwaran naman talaga sila "disgruntled employees".
hay tapos na break, trabaho na. tax + crim + corpo = insanity
No comments:
Post a Comment