ikatlong araw na ngayon mula nang lumisan ka sa aking mundo. kung para sa yo, ito ay isang bagay na hindi na dapat pang pagtuunan ng atensyon, o isang pagbabago na dapat nang ako ay naging handa - puwes para sa akin hindi, ikatlong araw na ito mula nang gumuho ang aking mundo. ikatlong araw na sinusubok ang tibay ng loob ko na di magpatianod sa bugso ng damdamin. ikatlong araw na sinasanay ang sarili na manumbalik sa dati nang kinasayanang pag-iisa. ikatlong araw na nang pakikibaka sa isiping ang tiwala ay maaaring di na maging gaya ng dati, na ang tiwala ay tuluyan nang nasira.
kanina, matapos ang isang araw ng pagsasaayos ng buhay ng mga tao (habang naiiisip ko na sana ganoon din ang magawa mo sa sarili mong buhay), sinamahan ako ni tria at ethel sa sidebar sa el pueblo para magmunimuni habang kaulayaw ang ilang boteng alak. masarap isipin na ang pansamantalang pagkalango ay makakapagdulot ng kawalan ng ulirat sa sakit na nararamdaman. pero, mahirap nito, hindi lahat ng pagkakataon ay kaya nitong pawiin ang sakit.
tatlong araw na.
tatlong araw na sana ay mabilis na lumipad nang di ko na namamalayan pa ang sakit na dinulot niya.
No comments:
Post a Comment