Thursday, January 06, 2005

sawi (na naman), para kay 'mine' na pilit nang kalilimutan

apat na buwan halos
nahumaling kay ferrero,
apat na buwan halos
sa poli at civil, umikot ang mundo...
ni hindi nakuhang ibaling ang tingin ko.
kaya pagkatapos ng pinal na eksamen
na tila nilamon lahat halos aking kamalayan
mantakin ba naman
pulos wills lumabas, na di ko pinagtuunan...
sa savory at inuman, bagsak ng klaseng lugmok na.
kung may higit pa sa deadma,
iyon na marahil,
ang pagkilala sa iyo ng pusong di pa hilahil,
isang kaklase ka lang
isang walang pakialam sa mundo
ang taong walang kaibigan
grad pic na lang malilinlang pa,
ang taong walang alam sa paligid niya...
awa lang nadarama sa iyo noon,
tsk tsk tsk...
kawawang bata, walang kaalam-alam
tuwina'y sambit tungkol sa yo
(bukod sa panlalait sa mala-saudi boy mong anyo)
kaya nga nang iyong hingan
ng number ko na pwedeng pagtanungan
di na ako pa nag-alinlangan...
ngunit matapos ng performance-level mong kanta
ng closer you and i sa ktv room na kay usok na,
munting awa ay nalusaw na nga,
nalintikan na,
nahuhulog na ata.
hanggang sa patuloy mong kinulit,
nang sumunod na semestre
ang soltera kong puso na pinaglalabanang pilit
pagkahumaling sa iyong kabaitan,
at sa walang puknat na kakulitan.
sa iyong pagsambit
"sweetheart sige na",
para lang makuha mo na,
di ang oo ko
(sana nga yun na lang),
kundi ang proofs mo,
daga sa puso ko'y nagsipagkandirit,
parang dugo sa mukha'y pipilandit
lalo na nang nabanggit ---
"kahit ligawan kita?"
haaay, gaga ka talaga!
kaya nga ng makompronta
ng roommate ko na si jennifer olba
di na naka-hindi,
huling-huli na
(sabagay sa baklang ito,
walang maikukubli, lalo na ako pa)
katapusan na nga ng tunggalian
kung gusto kita o ano ba talaga...
lintek, nagkaaminan na.
lumipas mga araw,
sa tuwina mula disyembre hanggang enero,
isang dipa laging idinudungaw ng suwail kong puso
isang sighap ng hininga sa pagkita lamang sa iyo
t****na, nababaliw na yata ako.
hanggang sa buong fourth year na yata
napagsabihan ko na
na sa kasalatan ng lalake sa sangkaBEDAhan
ikaw ang natitipuhan
(sino-sino nga ba aking nasabihan?
tria, roy, kats, yayo, ara,
eric, sugar, at jana,
syet, madami na pala)...
the last blow, ika nga nila
nang sa tavern nag-inuman na,
na bago pa man medyo nagkatama na
(nang hiramin facial wash mo di ba)
humahangos ika'y dumating,
mayamaya pa,
nagulat na lamang nang iyong yakagin,
saliwan ng sayaw ang tugtugin,
lasing na nga ata?
pero hindi pala pangarap o amats lamang,
kasabay ng aking paghindi ay ang pagtili
ng mga kasama kong tulad ko'y mangha sa tinuran,
isang SanMig Light pinadaloy sa lalamunan
sabay hithit at buga sa nikotina,
ayoko na, aking tinuran.
sana nga nadala na ako
nang umuwing lango
at tinuluyan na ang ulit-ulit na linya
kay jennifer andres olba:
"ayoko na, friend..."
sana noon na na-the end.
sana nga di na nag-wrong send pa
nang minsang nakatoma,
"Asan ka na po? =) "
sabi ng gaga
"Bakit mo ko hinahanap? =)"
textback ng gago,
tuloy na-carry over kahit na 2005 na.
lalong umigting lihim(?) na pagtingin
ng pasukan ay dumating,
sulyap dito, sulyap doon,
pintas dito, pintas doon,
sa bawat pagpintas naman
tila napipitas nang tuluyan
puso kong di na nadala sa nakaraan.
Hanggang ng minsan,
umamin muli sa isang kaibigan
na ikaw puno't dulo ng kakiligan,
napag-alaman, o hindi, na naman?!
may iba ka na daw nililigawan,
o kayo na nga ay magkasintahan.
Nalintikan na, eto na naman.
Ano bang dapat maramdaman ng isang tulad ko?
Di naman tayo, di mo naman ako gusto...
Di mo naman alam ika'y gusto ko...
Di mo naman sinasadya maramdaman ko ay ganito...
Langyang puso to, pinahamak na naman ako.
Byers na nga sa yo,
Nagugulo mundo ko
Pati make-up ko nauubos dahil sa yo
bakit ba nagkaganito!
Mabuti pa kalimutan na lamang eto,
Kalimutan pagkahumaling ko,
Kaligtaan minsa'y muntik nang pagnasaan "Mine" itawag sa yo,
Statistic na nga lang,
Itala sa listahan
Ng mga di-nasukliang nadarama
Na tila kinokolekta
ng masaklap kong tadhana.
Ayoko na talaga.
sana

No comments: