...kagabi kasi (well, kanina), akala ko may gimmick ako. it turned out, nag-mall ako mag-isa. to top it all, kumain ako mag-isa (well, okay lang yun di ba) ng pizza (yun ang di okay). sabi nung cashier, "ma'am, ilan po kayo?", pagkatapos kong orderin yung favorite kong pizza sa yellow cab. ngitian ko na lang siya, sabay sabi, "ako lang".
...tapos, kanina lang ginawa ko yun wedsite ni ara, yung friend ko from law school. ikakasal na kasi siya kay olan, at nag-request siya na maging coordinator/planner niya ako, bongga. visit mo to --- =) okay na sana, kaso yun url pala nya di na napapalitan, aysus.
...eh habang ginagawa ko yun wedsite, naisipan ko mamasyal sa friendster. tingnan ang mga tao. siyempre inuna ko siya. tapos nakita ko... yun friendster account niya puro gels. meaning, one of them lang pala ako. =( oo, player ako di ba. yun nga yun e. ang plano naman wala talagang in-love-an chuchu. kaso... okay kasi sana siya e. hayyy.
...tapos hala sige pasyal pa ako, habang naman naghahanap ako ng checklist para nga sa wedding (hirap pala talaga magpakasal), ang next ko na nakita yun friendster ni "assoc ed". sabi ni jet, break na sila ng gf nya. hmmm. di naman. hanggang pati kay gf tiningnan ko na, bahala na, naka-on pa naman ako. ayun, nainggit naman ako. at nalungkot. naisip ko na di ko na tutuloy pa yun kadramahan ko noon na, may-i-profess ako sa kanya ng undying love ko (yun pinost ko dati). mukhang masaya naman sila, at mahal siya ni gf kaya magdusa na lang ako. sensya na lang.
...pati si isang ex-crush, mukhang seryosong seryoso na sa gf nya. tapos, yung isang kakilala ko nakapasok dun sa firm na yun, hmmm. yung batang yun, maganda, pati extra-curricular chenelyn, kaso hmmm basta may attitude ang bata - syet, swerte naman niya.
...tapos, di ko alam kung eto na ba epekto ng gamot na iniinom ko. siguro nga, akalain mo ako, di nakakaramdam ng tomjones? as in. kahapon, almusal ko mangga, tanghalian gatorade, alang meryenda except yung dentyne ko. ayan ang sakit ng tyan ko. any moment gusto niyang makipagniig kay haring inidoro. ala naman ako kinakain.
...hay, nga naman. di ko alam kung side effect tong kadramahan ko o lumalabas na talaga ang pagiging madrama ko eh inborn na. hayyy...
2 comments:
effect nga yun ng gamot.
been there.
been that.
-tokti
Free ba pagawa ng wedsite?
kami din! :D
Tell your friend subscribe sya sya Wedding at Works yahoo group. Dami sya makukuha na tips dun. :)
Miss you dear!
*hugs*
-Cleng
Post a Comment