happy birthday ha.
kita mo na di na ako nakontento sa mapangahas kong pagsulat ng maikling pagbati para sa iyo sa friendster. sa totoo naman kabisado ko talaga araw ng birthday mo. kahit ibitin mo pa ako ng patiwarik, kahit pa nga pasagasa mo ako sa mrt, at kahit pa lango na ako, alam ko pa rin iyon. kaso, kinulang ako ng lakas ng loob, kunwari sa friendster ko nalaman pero ang totoo, nakatatak na yun sa isipan ko.
naisip ko na din naman na matagal-tagal na din na napairal ko ang kaduwagan ko. naduduwag ako na mapalapit sa yo kasi alam ko naman na wala nang patutunguhan to. naduduwag ako na makita pa kung gaano ka kabuting tao, gaano kagaling at karesponsable kasi natatakot ako na baka pag nahulog na ako di na ako makaahon pa. para ko na ring nilublob ang sarili ko sa kumunoy kung nagkataon.
kaya mabuti na ngang lumayo sa iyo, at manaka na lumapit paminsan. tama na iyon. baka mawili ako na malapit sa yo di ko na kayanin pa lumayo.
kung alam mo lang kung gaano kalaki ang panghihinayang ko sa nagawa ko noon, at hindi ko nagawa. nandun na naisip ko na, what if nga... pero, hindi eh, malabo. kung gusto mo talaga ako, kahit ano pa nangyari, malamang gumawa ka ng paraan. kaso nga, ayaw mo sa akin eh.
ipokrita ako kung sasabihin ko na masaya ako at masaya ka sa kanya. masaya to a certain extent lang, kasi kahit papaano hinahangad ko pa rin na maging masaya ka at mahalin ng taong mahal mo - na sa malas lang eh hindi ako.
di ka naman siguro manhid kaya malamang alam mo na na ikaw nga ang pinatutungkulan ko nito. sana talaga, sana lang, mabigyan ako ng pagkakataon. pero kung sa pagsaya ko naman, kapalit nun lungkot mo, wag na lang. ipagpapatuloy ko na lang pagtitiis ko.
salamat nga pala kay kaye, ang kaibigan kong nagpamalas sa akin na ang silbi ng blog ay ang pagpapalaya ng iyong kaluluwa.
at sa iyo, sana masaya ka sa araw mo. at sana, sana, maging parte rin ako ng kaligayahan mo.
No comments:
Post a Comment