Thursday, October 06, 2005

kay teban

kaarawan din niya ngayon.

nakilala ko siya nung first year ako sa up.
Image hosted by Photobucket.com

may project kami nun sa comm 1. si jessica at ako ang partners. originally, dapat ang mga seatmates kong sila ryan, ramon at vinci [opo, si parokya] ang mga ka-grupo ko. napagtanto ata ng natutulog kong isip [7am kasi klase namin noon at galing pa ako ng laguna papasok sa diliman habang ang skyway ay sinisimulan pa lang gawin] na di ko kakayanin ang tema nila ng magazine para sa aming project. at pinagtagpo na nga ang landas namin ni jesusa.

ganito yan, may crush si jesusa. tinawagan namin. sumimple ika nga. may survey kasi kami para nga dun sa magazine na gagawin namin. mala-cosmo ba. nanghingi pa ako ng numero ng mga blockmate niya na maaari naming matawagan. binigay niya ang numero ni teban.

at dun na nagsimula ang "trahedya" ng buhay "pag-ibig" ko sa peyups.

hindi ko alam kung paano nagsanga ang simpleng tanungan na iyon sa palagiang pagtatawagan sa telepono. hindi lalampas ang isang linggo na hindi kami mag-uusap. isa siyang "rare breed" [parang aso, hehe],dahil isa siya sa mga henyong nilalang na estudyante ng electrical engg, taga triple E. aaminin ko na namangha ako sa kanyang katalinuhan. magaling talaga ang gunggong. sabay kami noon na nag math 17 ng 1st semester. nang sumunod na semestre, math 53 na siya habang ako, math 17 ulit [di naman bagsak, 4 lang, hehe]. kulang ingudngod niya ako sa kabobahan ko sa math.

aaaminin ko din na nahulog na ang loob ko sa kanya noon. may kakaibang lamig kasi ang tinig niya. tipo bang seryosong matalino. mahusay din siya sa grammar. sa katunayan, may ilang beses ba na binara niya ako dahil mali daw pagbigkas ko, o biglaan akong tanungin ng kahulugan ng mga salitang maiisip niya. siguro nga naaliw din ako sa pagbabangayan namin sa telepono. mga kasimpleng bagay kasi nagiging debatable na para sa amin. at dahil isa akong dakilang pikon, madalas akong talo. talaga nga naman, pagkapikon ang pinaghugutan ko ng naramdaman para sa kanya.

pumunta pa nga sya sa debut ko. taga marikina sya at ako, taga laguna. para sa akin, isang napakalaking bagay na yon. at dahil nga ayon na din sa kanya, isa akong "assuming" na nilalang, inisip kong baka siya na nga ang bigay ni Lord sa kin.

ilang buwan din ang lumipas na paganon-ganon lang kami. di ko alam kung ano ba talaga ako sa kanya. hanggang isang araw, nagbanggit na siya ng mga "girls" daw niya na kinairita ko. eh, tanga ako, pinaramdam ko pa na naiirita ako. tuloy, lalo na niya akong inasar.

may pagkakataon tuloy na parang nawalan ako ng ulirat at walang gatol na tumawag sa kanya. at ayun na nga, i dropped the bomb, ika nga nila.

"i think i have fallen for you."

saglit na katahimikan. para bang isang sundalong alam na wala siyang laban sa mga susunod pang magaganap, gusto kong sumigaw ng "retreat!" pero wala na, kailangan ko nang pangatawanan. nagpasalamat naman siya sa akin. kung ano pa ang sumunod doon, wala na akong maalala kundi ang panginginig ng buo kong kalamnan.

hindi naman naapektuhan ang aming pagkakaibigan. inisip ko na lang na talaga yatang wala siyang nararamdaman. pero hindi ko pa rin maiwasang hanapin ang mokong na yon. tuwang tuwa ako na makita siya. di naman siya gwapo [well, may guwapo ba sa up? hehe]. katunayan, tawag ng mga kaibigan ko sa kanya eh kurimaw [opo, siya ang orig at hindi ang mga nasa eat bulaga, hehe]. sabi nga nila nakapiring ata ang mga mata ko.

at dahil nga dyan sumali ako sa isang org malapit sa kanila para di na kailangan pang umikot sa sunken makita lang siya.

nakilala ko na din si "the one that got away" at dedma talaga. talaga yatang kinaltok na pag-iisip ko.

mahigit anim na taon na rin ang nakalipas. nasa friendster ko siya. dati, may gf sya pero ngayon ata wala na [single status nya at wala na ang testi para sa kanya]. binati ko na siya nung lunes pa. natural may pang-aasar na naman siya.

wala na akong nararamdaman pa para sa kanya. pero ang sarap balikan ng mga panahong hibang ka sa isang tao. matay mong isipin kung kailan at paano magtatapos ang pagdurusang iyon na hindi ka mahalin ng taong mahal mo. iyon pala, ganito lang iyon.

sa iyo sgc,
Image hosted by Photobucket.com
happy bday. ayan ha, wag mo na ulit pamigay sa orgmates mo. =p

haaay, sarap. tapos na ang unang kabanata ng "unrequited" series ng buhay ko. sana matapos na din yung ngayon.

No comments: